Cover photo

Base 2025 Misyon, Bisyon, at Estratehiya

Kyle Patrick

Kyle Patrick

TLDR: Ang Base ay isang pandaigdigang onchain na ekonomiya na sama-sama nating binubuo nang bukas at transparent. Ngayong taon, nakatuon kami sa pagpapalago ng ekonomiya ng Base sa pamamagitan ng pagpapalakas ng limang pangunahing haligi: mga tagabuo (builders), mga app, pagmamay-ari (ownership), merkado (markets), at pagbibigay-daan para sa lahat, saanman, na maging bahagi ng onchain na mundo. Mayroon kaming malinaw na plano — ngunit makakamit lamang namin ang aming mga ambisyosong layunin sa tulong at pakikipagtulungan ng bawat isa. Habang tayo’y nagtutulungan at lumalago, patuloy na magbabago ang aming mga estratehiya upang mas epektibong mapaglingkuran ang ekonomiya ng Base.

Ang Aming Misyon

Ang aming layunin ay bumuo ng isang pandaigdigang onchain na ekonomiya na nagpapalakas ng inobasyon, pagkamalikhain, at kalayaan. Isang bagong internet, na ginawa ng mga tao, para sa mga tao.

Ang tagumpay para sa amin ay makita ang buong mundo onchain — milyon-milyong tagabuo (builders) at bilyun-bilyong tao — at makakamit lamang ito sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga tao, tagabuo, at negosyo. Sa pamamagitan ng pag-anyaya sa lahat na bumuo kasama namin at paggawa nang transparent, lilikha tayo ng isang bagong uri ng internet na sumusuporta sa isang bukas at umuunlad na ekonomiya para sa lahat.

Isa sa pinakamalaking puna na madalas naming naririnig ay mahirap pa rin para sa marami ang sumali sa bagong ekonomiyang ito. Ngayong taon, tututok kami sa pagpapasimple ng mensahe, pagtiyak na gumagana nang maayos ang mga produkto, at pagdadala ng buong mundo sa onchain.

Ang Malalaki, Mapangahas, at Matapang Naming Layunin para sa 2025

Upang maipasa ang bilyong tao sa onchain na ekonomiya, kailangan nating magtrabaho nang husto at lampasan ang ating mga nakasanayan. Kung natutupad natin ang bawat target na itinakda, nangangahulugan na hindi sapat ang ating ambisyon. Kaya't sa pagpasok ng 2025, nagtakda kami ng malalaki, mapangahas, at kapana-panabik na mga layunin na nagdudulot ng parehong kaba at pananabik:

  • 25 milyong tao

  • 25,000 na mga developer

  • 250 Mgas/s na kapasidad ng blockspace

  • $100 bilyon na assets sa platform

  • 1 bilyong transaksyon sa Base sa Oktubre

Kapag binalikan namin ang taon na ito, malalaman namin kung nasa tamang landas kami kung sinikap naming abutin ang mga layuning ito at tinulungan nila kaming lumampas sa aming mga limitasyon. Sa kaunting swerte at maraming determinasyon, may pagkakataon tayong magtagumpay.

Limang Estratehikong Haligi para sa 2025

Upang makamit ang mga layunin para sa taong ito, kailangan nating magtulungan. Nangangahulugan ito ng pagtutok sa mga bagay na nagpapabilis ng ating mga aksyon at nagpapalakas sa ating pagkakaisa. Upang tiyakin na lahat tayo ay nagtutulak patungo sa iisang direksyon, nais naming ibahagi ang ginagawa ng Base core team upang maisakatuparan ang mga layuning ito.

#1 Base para sa mga Tagabuo

Magbibigay kami ng makapangyarihan at bukas na mga kasangkapan upang matulungan ang sinuman na bumuo ng world-class onchain apps. Kahit ikaw ay isang bihasang onchain developer, isang web2 convert, o isang ganap na baguhan, nais naming bigyan ka ng kakayahan upang bumuo at mag-iwan ng marka.

  • Palakasin ang OnchainKit at iba pang building blocks para sa world-class apps.

  • Maglunsad ng mga bagong kasangkapan para yakapin ng mga tagabuo ang AI agents at mini-apps.

  • Paganahin ang gasless na karanasan at mag-scale gamit ang Paymasters at L3s.

#2 Base para sa mga Aplikasyon

Susustentuhan namin ang isang masiglang ekosistema ng konektado at bukas na onchain apps upang paramihin ang gumagamit ng Base. Mas maraming apps ang nagiging konkretong dahilan para sa bawat isa na sumali sa onchain.

  • Tulongan ang mga app, tagabuo, at creator na maging viral gamit ang mas malawak na distribusyon.

  • Gumawa ng mga bagong kasangkapan upang palakihin ang kita ng mga creator at ipakita ang kahalagahan ng onchain.

  • Itaguyod ang mga pangunahing karanasan onchain sa social, trading, payments, at messaging.

#3 Base para sa Pagmamay-ari

Lilikha kami ng makapangyarihang onchain account na may seamless funding, identity, at management. Ipagpapatuloy namin ang aming trabaho sa Smart Wallet upang alisin ang mga komplikasyon para sa mga developer at user, gawing mas madaling gamitin ang mga app, at maibalik ang kontrol sa iyong mga kamay.

  • Bagong user onboarding sa loob ng 60 segundo na may kasamang pondo.

  • Gawing mas madali ang paggamit ng apps nang walang popups o pagsakripisyo ng user sovereignty.

  • Bigyan ng kakayahan ang mga user na gamitin ang kanilang buong identity at assets sa ligtas at pribadong paraan.

#3 Base para sa Merkado

Gagawin naming sentro ang Base ng onchain economy na may highly liquid, always-on, global capital markets. Habang mas maraming asset at likididad ang dinadala natin sa Base, mas mabilis nating madadala ang buong mundo ng pananalapi sa onchain.

  • Dalhin ang Coinbase onchain at paramihin ang mga asset sa Base.

  • Suportahan ang 25+ local currency stablecoins upang gawing onchain ang bawat bansa.

  • Paganahin ang on at offramps sa bawat bansa sa buong mundo.

#5 Base para sa Lahat

Idedeentralisa, isca-scale, at papaspasin namin ang Base upang dalhin ang lahat, saanman, onchain. Ang tanging paraan upang makabuo tayo ng tunay na pandaigdigang ekonomiya ay tiyaking ito ay nakatayo sa isang desentralisado at bukas na plataporma — at ikinararangal naming gawin ito bilang bahagi ng Ethereum at ng Superchain.

  • Makamit ang Stage 1 decentralization.

  • Palawakin ang blockspace capacity ng Base sa 250 Mgas/s.

  • Pabilisin ang blocktimes at pababain ang bayad para sa <1s, <1¢ transactions.

Ang limang estratehikong haliging ito ang sentro ng pagtutok ng Base team sa kasalukuyan — patuloy kaming nagtatayo at matututo araw-araw. Habang ginagawa ito, patuloy naming pauunlarin ang aming mga plano at sama-sama nating dadalhin ang mundo onchain.

Paano Magtayo sa Isang "Based" na Paraan

Sa huli, hindi lang tungkol sa kung ano ang ginagawa natin sa 2025 — mahalaga rin kung paano natin ito ginagawa. At sa 2025, mananatili tayong based. Ibig sabihin nito:

  • Paggawa ng tama

  • Pagsusumikap

  • Pananatiling positibo

  • Pag-abot sa mga hangganan gamit ang pagkamalikhain

  • Pagpapahalaga sa koponan higit sa indibidwal

Kung lahat tayo ay magtatayo sa isang based na paraan, mas mabilis at mas malayo ang ating mararating.

Nasa Atin Ang Galaw

Ibinahagi na namin ang misyon at estratehiya ng Base, pati na rin kung paano kumikilos ang pangunahing koponan ng Base upang maisakatuparan ito. Ngunit sa huli, magtatagumpay lamang tayo kung lahat ng Base builders ay kikilos upang magtagumpay. Panalo tayo, sama-sama.

Handa ka na bang magtayo kasama namin?

Sumali sa amin sa X, Farcaster, at Discord upang magsimula — at sundan ang Base team at mga lider ng Base community upang manatiling updated habang lumalago ang Base economy.

Base 2025 Misyon, Bisyon, at Estratehiya