TLDR: Ang Base ay para sa lahat. At ngayong darating na buwan, lilibutin ni Base ang buong mundo para kilalanin ang iba't ibang builders. Magsisimula ito sa pag-host ng mga regional buildathons sa Africa, India, Southeast Asia, at Latin America. Ang mga buildathon na ito ay magsisimula sa September 27 hanggang October 13, na may kabuuang 100 ETH na premyo. Sa November, ang Base team kasama ni Jesse Pollak ay makikipagkita sa mga builders sa Nairobi, Bangalore, Bangkok, Singapore, Manila, at virtually naman sa Buenos Aires.
Ang misyon ng Base ay upang palakasin ang inobasyon, pagkamalikhain, at kalayaan, at alam naming hindi namin ito magagawa nang mag-isa. Ngayong September, nasasabik kaming makipagkita sa mga builders sa buong mundo.
Upang simulan ito, inilulunsad namin ang Base Around the World: isang serye ng mga regional buildathons sa Africa, India, Southeast Asia, at Latin America. Pagkatapos ng buildathons, makikipagkita sina Jesse Pollak at ang Base team nang personal sa mga builders sa Nairobi, Bangalore, Bangkok, Singapore, at Manila, at virtual sa Buenos Aires. Ang mga petsa ng bawat kaganapan ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon.
Nakatutok kami sa mga rehiyong ito para sa dalawang pangunahing dahilan:
Nakikita namin ang big builder energy: Sa kasalukuyan, 74% ng mga onchain na builders ay nasa labas ng US at ang mga rehiyong ito ay nagpapakita ng pinakamabilis na paglago sa onchain adoption. Sa bawat isa, may lumalaking onchain use cases ng paggamit at mahuhusay na builders na lumulutas ng mga mahihirap na problema. Nais naming kumonekta, makahanap ng mga pagkakataon upang magtulungan, at bigyan sila ng mga mapagkukunan at suporta.
Magagamit natin ang onchain upang lutasin ang mga problema sa lokal na konteksto: Bawat komunidad ay may iba’t ibang hamon at konteksto kung saan ang teknolohiyang onchain ay maaaring magamit. Ang pagbuo ng mas mahusay na internet ay nagsisimula sa mga lokal na komunidad na lumulutas ng lokal na mga hamon, sa mga paraang posible lamang ngayon. Kaya’t naglalagay kami ng lokal na pokus para sa mga buildathon na ito. Nais naming magtuon sa mga kaso ng paggamit na magbibigay ng benepisyo sa mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Base Around the World: Africa, India, Latin America, at Southeast Asia
Ang mga buildathon ay sabay-sabay na tatakbo mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 13. May isang simpleng prompt para sa buildathon: Bumuo ng isang onchain na app na lulutas ng isang hamon sa iyong komunidad.
Kung naghahanap ka ng mga ideya, narito ang ilang mga panimula:
Tumulong sa mga tao na magsama-sama, kumonekta, at makipag-collaborate nang mas madali — onchain o IRL
Magbigay ng access sa mga social at educational na resources
Gumawa ng mga tool na magbibigay ng mas madaling access sa onchain economy
Lumikha ng mga platform na magpapalakas sa mga creator na ibahagi ang kanilang mga gawa (o kung ikaw ay isang creator, ibahagi ang iyong sarili)
Bukas na ang pagpaparehistro sa Devfolio:
Nasasabik kaming ipakita ang mga buildathon kasama ang mga lokal na builders na nagbibigay na ng impact sa kanilang mga komunidad.
Based Africa
Kinokonekta ang mga builders mula sa iba’t ibang sulok ng kontinente at co-presented ng Base Africa, Borderless Africa, Onboard at Yellow Card. Manatiling konektado sa mga builders sa Africa sa /base-africa sa Warpcast at makakuha ng suporta mula sa Base Devel sa #based-africa sa Base Discord.
Based Southeast Asia
Sakop ang Thailand, Vietnam, Singapore, Laos, Cambodia, Myanmar, Indonesia, Brunei, Malaysia, at Pilipinas, at co-presented ng Base Southeast Asia, Yield Guild Games, Bitkub, Coins.ph. Kumonekta sa mga builders sa Timog-Silangang Asya sa /base-sea sa Warpcast, at sumali sa #based-sea sa Base Discord para sa dev support.
Based LatAm
Sakop ang Central at South America, mula Mexico hanggang Argentina, at co-presented ng Base LatAm (powered by Odisea) at Buenbit. Makipagkita sa mga builders sa Latin America sa /base-latam, at sumali sa #based-latam sa Discord para sa mga tanong at update tungkol sa buildathon.
Based India
Sa buong India at co-presented ng Base India (powered by Farcaster Builders India), Levitate Labs, KGeN at Okto by CoinDCX. Makipag-ugnayan sa mga builders sa India sa /base-india, at sumali sa #based-india sa Discord para sa suporta sa paggawa ng iyong produkto.
100 ETH na premyo
Ang Buildathon ay bukas sa sinuman mula sa mga apat na rehiyong ito. Bawat rehiyon ay magkakaroon ng prize pool na 25 ETH (Total 100 ETH), na may 2-8 mananalo mula sa bawat rehiyon.
Ang bawat nanalo ay makakakuha ng:
Rewards: 3 - 12.5 ETH mula sa Base, kabilang ang kontribusyon mula sa Talent Protocol.
Marketing at Distribution: Ang lahat ng nanalo ay itatampok sa isang Base meetup event sa rehiyon kasama si Jesse Pollak.
Network: Mga koneksyon sa ilan sa mga pinaka-prolific Base builders sa iyong rehiyon, na may direktang access sa Base team.
Para sa kumpletong mga tuntunin, pamantayan ng pagsusuri, at upang mag-apply, bisitahin ang mga kaukulang Devfolio page para sa bawat Buildathon (Africa, Southeast Asia, LatAm, India).
Makipagkita onchain, online, at IRL
Nasasabik kaming makipagkita sa mga builders sa iba't ibang bahagi ng mundo ngayong September. Kung hindi ka makakapunta sa alinman sa mga lungsod na ito, maaari kang mag-apply upang mag-host ng meetup para pagsama-samahin ang mga builders sa iyong komunidad.
Sumali sa isang lokal na komunidad sa Warpcast, kung saan may 46 na mga language channel—hanapin ang sa iyo sa baseworld.org. Kami ay nagpapasalamat sa lahat ng mga global na miyembro ng komunidad, partikular sina Atomo, Nathanael, Harry, Cheryl, Jitz, Kyle, Fer, Carlos, at Juampi, para sa paggawa ng mga pagsasalin ng blog na ito sa kanilang mga lokal na wika. (Tingnan ang mga pagsasalin sa Thai, Indonesian, Vietnamese, Malay, Filipino, Spanish, at Portuguese dito.)
Manatiling based. Patuloy na mag-build.
Ang lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa buildathon, kabilang ang mga payout at logistics, ay pinamamahalaan nang independyente ng Devfolio, alinsunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon.